Diborsyo, muling inihain ngayong 19th Congress

Muling isinusulong ngayong 19th Congress na gawing legal na ang diborsyo sa Pilipinas.

Sa makailang beses ay muling inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman ang House Bill No. 78 kung saan itinutulak ang pagkakaroon ng “absolute divorce” sa bansa.

Umaasa si Lagman, ang principal author ng mga naunang divorce bills sa Kamara, na sa pagkakataong ito ay mawawakasan at mapapalaya na mula sa paghihirap at mapang-abusong relasyon ang mga kababaihan.


Tinukoy pa ng kongresista na tanging Pilipinas na lamang sa mga katolikong bansa maliban sa Vatican ang hindi pa legal ang diborsyo.

Binigyang diin pa sa panukala na ang ‘absolute divorce’ ay nauna nang nagawa noon ng mga pre-Spanish-Filipinos at sa panahon din ng American era at Japanese occupation.

Mababatid na 17th Congress ay inaprubahan ang divorce bill sa Kamara pero hindi naman naaksyunan ng Senado dahil sa kakulangan ng oras habang noong 18th Congress ay nakalusot lamang ito sa committee level at nabibinbin na dahil sa pandemya.

Facebook Comments