Pag-veto sa panukalang Bulacan Airport at ecozone, ikinalungkot ng isang senador

58

Nirerespeto ni Senator Joel Villanueva ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na i-veto ang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Act.

Pero bilang isang true-blooded Bulakenyo ay aminado si Villanueva na ikinalungkot niya ang nabanggit na hakbang ni PBBM.

Diin ni Villanueva, may potensyal itong lumikha ng trabaho at kabuhayan para sa mga Pilipino.


Dagdag pa ni Villanueva, makakatulong din ito sa ekonomiya ng bansa sa larangan ng pamumunuhan at imprastraktura.

Bunsod nito ay pinag-aaralan ni Villanueva ang paghahain muli sa naturangpanukala sa ilalim ng 19th Congress.

Facebook Comments