CAUAYAN CITY – Sumailalim sa oryentasyon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela nito lamang ika-20 ng Agosto na ginanap sa Conference Room, Provincial Capitol.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Provincial Governor’s Office – Management Information Systems (MIS) katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Isabela.
Patungkol sa eGOV PH App ang naging paksa ng oryentasyon kung saan binigyang-diin nito na mas mapapadali ang pagbibigay serbisyo sa publiko.
Ilan sa mga features ng nasabing app ay digital version ng national ID (PhilSys ID) at pag-access sa GSIS, PhilHealth, PAGIBIG ng mga eempleyad, at iba pang serbisyo ng pamahalaan.
Bukod sa national services, maari rin itong magamit sa mga local government services katulad ng business permits, cedula issuance, LGU websites, at iba pa.