Plano ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na tulungan ang Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang paghahanda sa darating na halalan sa Mayo.
Partikular dito, lalo na sa Automated Election System (AES)kung kinakailangan.
Ayon kay DICT Secretary Emmanuel Rey Caintic, gagawin daw ang anumang paraan na mayroon ang ahensiya upang matiyak ang isang patas at ligtas na halalan para sa Pilipino.
Katuwang ang DICT para patuloy na mapabuti ang electoral process upang magarantiya ang isang tapat at maaasahang halalan.
Samantala, sinabi pa ng kalihim na ang halalan na ito ang unang gagamit ng Philippine National Public Key Infrastructure (PNPKI).
Ang PNPKI o digital signatures ay nagpapahintulot sa users ng public networks tulad ng internet na makipagpalitan ng private data nang ligtas.