Nakikipag-usap na ang Department of Information and Communications (DICT) sa National Bureau of Investigation (NBI) at Commission on Elections (COMELEC) kaugnay ng usapin ng security breach sa operasyon ng Smartmatic na service provider para sa nalalapit na eleksyon 2022.
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DICT Secretary Emmanuel Caintic na kung lalabas sa pagsisiyasat na totoo ngang may naganap na security breach ay ipaghaharap nila ng reklamo ang mga taong involved dito.
Ani Caintic inatasan na rin nila ang National Privacy Commission na ituloy ang imbestigasyon sa mga nasasangkot sa isyu ng data breach.
Aniya, titiyakin nilang mapapananagot sa batas ang mga taong sangkot dito.
Facebook Comments