Team Marcos ng Ilocos Norte nakahanda na para sa Proclamation Rally kasama si Bongbong Marcos

232
iFM Laoag – Nakahanda na ang Team Marcos ng Ilocos Norte para sa Proclamation Rally sa harap ng Provincial Capitol bukas araw ng byernes na papangunahan ni former Senator at Presidential Candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sasamahan ito ng iba’t-ibang opisyales ng lalawigan na pangungunahan naman ni Governor Matthew Marcos Manotoc, Ferdinand “Sandro” Marcos, kapamilya at mga Marcos Loyalists na magsisimula sa ala sais impunto ng hapon.
Nakatutok naman ang Philippine National Police sa seguridad at pagkontrol sa trapik dahil inaasahan ang pagdagsa hindi lamang ng mga taga Ilocos Norte kung hindi ang mga karatig probinsya dito.

Maliban sa PNP, nakaantabay narin ang Philippine Army at mga force multipliers upang maisigurado ang seguridad, kapayapaan at kaayusan ng mga dadalo sa nasabing rally. | via Bernard Ver @RMN News
Facebook Comments