Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na makapagtayo ng higit 9,000 free WiFi sites sa buong bansa sa taong 2023.
Sinabi ni DICT Undersecretary for ICT Inudstry Development Jocelle Batapa-Sigue, layon ng kagawaran na magtayo ng karagdagang 3,273 sites sa susunod na taon mula sa kasalukuyang 3,055 active sites as of August 20, 2022.
Ayon kay Sigue, higit tig-1,000 ang itatayo sa Luzon at Visayas habang higit 500 ang itatayo sa Mindanao.
Dahil dito, inaasahang papalo na sa 9,224 free WiFi sites sa mga pampublikong lugar sa buong bansa bago matapos ang fiscal year ng 2023.
Ang free WiFi program ay may minimum speed na 1.6 megabits per second at maximum speed na 50 megabits per second kung saan patuloy ang kontrata nito sa mga private providers.
Sa kabila nito, malayo ito sa target na 250,000 WiFi access points na nilatag ng DICT bago matapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2023, may nakalaang 7.232 bilyong pisong pondo para sa DICT.