Northern Police District, nagsagawa ng KASIMBAYANAN Security Alliance Summit

36

Pinangunahan ni PCol. Ponce Rogelio Penoñes Jr., ng Northern Police District ang NPD KASIMBAYANAN Security Alliance Summit.

Dinaluhan ito ng iba’t ibang security managers at security officers sa lungsod ng CAMANAVA kung saan todo suporta ang lahat ng mga chief of police sa bawat lungsod sa ikinasang aktibidad.

Dito ay tinalakay ang kasalakuyang sitwasyon ng CAMANAVA laban sa mga binabantayang communist terrorist groups o CTG at local terrorist groups o LTG.


Layunin ng programang ito ang magkaroon ng alyansa ang kapulisan at mga security guard ng iba’t ibang kompanya sa lungsod ng CAMANAVA.

Paraan din ito para sa agarang aksyon ng kapulisan kung may anumang krimen sa kanilang nasasakupan at iba pang security concern.

Facebook Comments