Manila, Philippines – Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na i-award sa ikatlong telecom player na Mislatel Consortium ang frequencies at permit to operate nito sa katapusan ng buwan.
Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio Jr. – nasa proseso na ang mislatel na makakuha ng go-signal mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Kapag nabigyan na ng green-light ang ikatlong telco mula sa SEC ay dito gagawaran ng DICT ang Mislatel ng Certificate of Public Convenience and Necessity.
Nakatakda ring i-award ng DICT sa Mislatel ang frequency bands ng 700 megahertz (mhz), 2100 mhz, 2000 mhz, 2.5 gigahertz (ghz), 3.3 ghz at 3.5 ghz.
Matatandaang ang Mislatel ang nanalo sa government’s bid para sa bagong telecommunication player noong nakaraang taon na lalaban sa telcom giants na PLDT-Smart at Globe Telecom.
Inaasahang magsisimula ang operasyon nito sa 2020.