DIDESISYUNAN | Korte Suprema, nagdesisyong isalang sa oral arguments sa April 10, 2018 ang quo warranto petition ng OSG laban kay CJ Sereno

Manila, Philippines – Kumpirmadong isasalang ng Korte Suprema sa oral arguments ang quo warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Itinakda ang oral arguments sa April 10, 2018 sa Baguio City.

Ilan sa mga mahistrado ay nais na maging bukas si Sereno sa pagtatanong at siya ay sasagot “under oath.”


Ang quo warranto petition laban kay Sereno ay inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) dahil sa paniwalang bumagsak ang punong mahistrado sa integridad na pangunahing hinihingi ng Konstitusyon para sa mga myembro ng Hudikatura.

Nag-ugat ito sa kabiguan ni Sereno na makapaghain ng humigit kumulang sampung Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Una nang lumitang sa pagdinig ng House Justice Committee na tatlong SALN lamang ang naihain ni Sereno kahit siya ay matagal na nagtatrabaho sa gobyerno bilang propesor sa University of the Philippines College of Law.

Facebook Comments