Diether Ocampo, ganap nang miyembro ng PCGA

6344

Happy and proud ang hunk actor-businessman na si Diether Ocampo dahil finally, ganap na siyang lieutenant commander ng Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary.

Natapos na kasi ng aktor ang kanyang seafarer training noong Hunyo.

Say ni Diet, simula nang pasukin niya ang mundo ng seafarer, mas nakilala niya ang kanyang sarili at nalaman niyang napakayaman ng Pilipinas pagdating sa tao.

Masarap aniya na maging bahagi ng isang industriya na malaki ang kontribusyon hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Matatandaang pinag-usapan din ang aktor na si Matteo Guidicelli na isa namang 2nd lieutenant sa army reserve command ng Philippine Army.

Facebook Comments