Joshua Garcia, inaming nagagalak sa kaniyang team up kay Janella Salvador

248

Inamin ni Joshua Garcia na nagagalak siya sa kaniyang team up kay Janella Salvador sa horror-drama seryeng “The Killer Bride” kasama sina Maja Salvador at Geoff Eigenmann.


Mula sa kani-kanilang matagumpay na loveteams na “JoshLia” at “ElNella”, sinabi ni Joshua na ito ang tamang panahon para sa kanilang dalawa ni Janella.

“This is the right for us and I’m happy,” ani Joshua.

Ibinunyag din ni Joshua na may ilang proyektong inalok sa kanilang dalawa ni Janella subalit hindi natuloy dahil sa kaniya- kaniya silang loveteam noon.

Matatandaang bumida si Joshua sa apat na pelikula at isang teleserye kasama ang dating girlfriend na si Julia Barretto habang nagsama naman si Janella at Elmo Magalona sa dalawang pelikula at isang teleserye.

Ipapalabas na aang “The Killer Bride” sa primetime bida ng ABS-CBN ngayong Lunes, Agosto 12.

Facebook Comments