DigiPlus players, puwede nang mag-cash-in sa 800 Bayad Center!

Simula Oktubre 8, mas pinadali at mas pinasiguro na ang pagpopondo ng account ng mga manlalaro ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone dahil maari nang mag-cash in or magdeposito sa anumang 800 sangay ng Bayad na matatagpuan sa buong bansa.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaisa ang DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), ang nangungunang digital entertainment provider sa bansa, at Bayad, ang isa sa pinagkakatiwalaang bills payment service provider sa Pilipinas, para mabigyan ng mas maraming payment channel ang mga manlalaro ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone.

Pormal na nilagdaan ang kasunduan nitong Oktubre 8, 2025, sa pangunguna ng mga opisyal mula sa magkatuwang na mga kumpanya: DigiPlus Chairman Eusebio H. Tanco, AB Leisure Exponent Inc. President Jasper Vicencio, Bayad Chairman of the Board Ray C. Espinosa, at Bayad President and CEO Lawrence Y. Ferrer.

Sa ilalim ng partnership na ito, maaari nang mag-over-the-counter (OTC) cash-in o deposito ang mga customer ng DigiPlus sa mahigit 800 sangay ng Bayad Center at mga Bayad Partner na matatagpuan sa mga mall, supermarket, at convenience store sa buong bansa.

Epektibo agad ang kasunduan, lalo’t DigiPlus lamang ang tanging gaming partner ng Bayad para sa OTC cash transaction.

Ang Bayad ay accredited ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang isang Electronic Money Issuer (EMI). Nakikipagtulungan lamang ang DigiPlus sa mga payment channel na akreditado ng BSP, alinsunod sa mga patakaran ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ito ay upang matiyak na ang lahat ng transaksyon sa player wallet ay dumaraan sa ligtas at sumusunod na mga plataporma.

Sunod namang ilulunsad ang mga karagdagang serbisyo gaya ng cash-out o withdrawal at access sa pamamagitan ng Bayad App, para bigyan ang mga manlalaro ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone ng mas marami pang paraan para matiyak na ang kanilang pondo ay ligtas.

“Sa DigiPlus, ang prayoridad namin ay maghatid ng masayang libangan habang tinitiyak ang ligtas at maaasahang serbisyo para sa aming mga manlalaro,” ayon kay DigiPlus Chairman Eusebio H. Tanco “Ang partnership na ito sa Bayad ay nagbibigay sa mga customer ng mas ligtas at mas maginhawang paraan ng pag-transact, na nagpapatibay sa aming pangako na proteksyon para sa manlalaro at maaasahang serbisyo.”

Ayon naman kay Bayad Chairman of the Board Ray Espinosa, “Isang makabuluhang hakbang ang aming hatid katuwang ang DigiPlus. Magkasama nating palalawakin ang access sa digital channels at maghahatid ng mga bago, kaaya-aya, at responsableng paraan para ma-enjoy ng mga Filipino ang maginhawa at masayang libangan, sa tulong ng accessible at inclusive na financial services.”

Ang pakikipagtulungan sa Bayad payment channels ay dagdag sa lumalawak na customer service network at suporta ng DigiPlus para sa mga manlalaro kabilang na ang in-house 24/7 customer support, mahigit 130 pisikal na BingoPlus stores sa buong bansa, at surety bond para sa player wallets. Ang mga lumalawak na serbisyong ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng DigiPlus sa paghahatid ng digital entertainment na ligtas, maaasahan, at abot-kaya para sa mga Pilipino.

Facebook Comments