Digital COVID-19 passes, posibleng magamit na sa susunod na buwan

50

Inaasahang magagamit na sa susunod na buwan ang digital passes na magsisilbing patunay sa vaccination status ng isang tao.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, sinisimulan na nila ang pagbuo ng uniform vaccine digital passes para sa mga taong nabakunahan na laban sa COVID-19.


Aniya, makakatulong din ito para sa ligtas na domestic at international travel.

Naniniwala ang pamahalaan na ang digital passes ang paraan para makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga Pilipino.

Facebook Comments