DIGITAL GOVERNANCE, PINALAKAS SA CAUAYAN CITY

CAUAYAN CITY — Pormal nang pumasok sa digital era ang Cauayan City matapos ang ginawang turnover ng Digital GAD Platforms para sa 65 barangay ng lungsod.

Itinampok sa aktibidad ang pormal na pagsalin ng Digital GAD Platforms mula sa JCD Techteam, patungo sa pamahalaang barangay, bilang hudyat ng ganap na lokal na pamamahala sa sistema. Isinagawa rin ang turnover ng Person Deprived of Liberty Tracking System (PDLTS) sa BJMP Cauayan District Jail, na nilagdaan ni JCINSP Emerald C. Hombrebueno.

Tinalakay sa oryentasyon ang paggamit ng digital system para sa pag-upload ng GAD accomplishment reports at pag-encode ng mga plano’t badyet, gamit ang sex-disaggregated data upang mapalakas ang gender-responsive governance. Karamihan sa barangay ay matagumpay na nakapagsumite ng kanilang ulat.

Isinabay rin ang MOA Signing ng BIDA-DILG Program kontra ilegal na droga, habang nagbigay si Dr. Jhamie Tetz Mateo ng mahalagang lecture hinggil sa GAD Plans and Budget.

Kabilang sa mga opisyal na nakiisa sa pagtitipon sina City Administrator Ms. Czarah Jane Dy, Vice Mayor Hon. Benjamin Dy III, mga Konsehal ng Lungsod, FSSUPT Atty. Archie R. Andumang, at PLTCOL Ernesto DC Nebalasca, Jr.

Facebook Comments