Digital na proseo ng pag-audit, plano ng COA

Target ng Commission on Audit (COA) na gawin nang digital ang proseso ng pag-audit nito sa susunod na pitong taon.

Ito ang natalakay sa ginanap na planning conference ng COA na pinangunahan ni Chairperson Gamaliel Cordoba, kasama ang nasa 140 senior COA officials.

Sa nasabing pagtitipon, ibinahagi ni Cordoba ang kanyang 10-point agenda para maisulong ang pagsasa-digital ng pag-audit ng gobyerno.


Kabilang dito ang pagbuo ng Government Accounting System na nakasusunod sa international standards, paggamit ng e-audit at pagpapabuti pa ng audit techniques.

Dagdag pa ni Cordoba, layunin nito na magkaroon na ng automated audit system para sa e-collections, e-payments at Artificial Intelligence o AI.

Ang direksiyon na ito ng COA ay base na rin sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na makamit ang malawakang digitalization sa bansa.

Facebook Comments