Digital payment transaction sa bansa, lumago sa 30% – BSP

Lumago sa 30.3% ang digital payment transaction sa bansa para sa retail trade noong 2021.

Higit na mas mataas ito kung ikukumpara sa sa 20.1% noong 2020.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mas dumami ang gumagamit ng e-wallet at online banking sa pamimili at pagbabayad sa serbisyo, noong nagsimula ang pandemya.


Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagsisikap ng BSP na maging digital na ang transaksyon at kalakalan sa buong bansa.

Nais din ng ahensya na maidaan na sa digital transaction ang kalahati ng bayaran ng pagbili ng produkto at serbisyo ng publiko.

Facebook Comments