2 TULAK NG ILIGAL NA DROGA SA LUNGSOD NG ILAGAN, NASAKOTE

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki sa City of Ilagan matapos ang isinagawang buy-bust operation ng kasapi ng PNP Ilagan sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela kamakailan.

Kinilala ang mga akusado sa alyas na “Jay” 47 taong gulang, at residente ng Brgy. Minante Uno, Cauayan City; habang ang Isa naman ay si “Sam”,39 taong gulang, at mula naman sa Brgy. Capissayan Norte, Gattaran, Cagayan.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga akusado ang pitong (7) sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang Shabu, at tumitimbang ng nasa 1.125 gramo na nagkakahalaga ng P15,000; dalawang yunit ng cellphone, isang trailer, at 1,000 peso bill na ginamit bilang buy-bust money.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP Ilagan ang mga nahuling suspek at posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments