DIGITAL SENIOR CITIZEN ID, PAAANDARIN NA SA MANGALDAN

Opisyal nang inilunsad ang digital National Senior Citizens ID (NSCID) sa sa Mangaldan.

Layunin ng proyekto na gawing mas mabilis, ligtas, at maginhawa ang pagkuha ng benepisyo at pribilehiyo ng mga senior citizen sa bayan.

Dahil dito, hindi na kailangan pang pumila nang matagal para mag-apply o mag-renew ng ID. Libre din ang pagpaparehistro at maaari itong i-screenshot sa cellphone para ipakita sa mga opisina o establisyimento.

Kaugnay nito, ang digital NSCID ay bahagi ng 8-Point Socioeconomic Agenda na nakatuon sa digital transformation at mas pinalawak na social protection para sa mga senior citizen kung saan nagtutulungan ang iba’t-ibang ahensya sa pagpapatupad nito.

Samantala, pinaalalahanan naman ang mga senior citizen na hindi makapag-update ng account na tumungo sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) upang ayusin ang kanilang mga detalye. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments