Digital solutions para labanan ang pandemya, at mapahusay ang healthcare system, isinusulong ng DOH

31

Isinusulong ng Department of Health (DOH), academe, at pribadong sektor ang digital solutions para sa epektibong management ng COVID-19 cases at mapahusay ang healthcare system ng bansa.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, ang pagkakaroon ng maayos na pamamahala ng mga datos ay tiyak na magkakaroon din ng efficient management ng COVID-19 cases.


Mapapagtibay din nito ang pandemic response mula sa national hanggang local level.

Dapat magkaroon ng unified data dashboard ng COVID-19 para mabigyan ang mga health experts ng mahabang panahon na ma-interpret ang mga datos at makabuo ng relevant analysis.

Facebook Comments