Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagsasagawa ng digital verification at invoicing sa lahat ng mga produktong papasok sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na Executive Order No. 23 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, layon ng nasabing hakbang na mas higpitan ang seguridad ng bansa at protektahan ang karapatan ng mga konsyumer.
Nakasaad din sa kautusan ang paglikha ng Committee for Pre-border Technical Verification and Cross-border Electronic Invoicing na pamumunuan ni Department of Finance Secretary Ralph Recto kasama ang iba pang mga kalihim mula sa Department of Agriculture, Trade, Energy, Health, Environment at Natural Resources, at Information Communications Technology.
Kasama rin sa Komite ang Commissioner ng Bureau of Customs (BOC) at Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).