Mga congested na airport sa ibang probinsiya, planong ilipat ng DOTr

Plano ng Department of Transportation (DOTr) na ilipat ang ilang “congested” o siksikan na mga regional airport.

Sa isang panayam kay Transportation Secretary Jaime Bautista, tinukoy ng DOTr ang mga paliparan sa Zamboanga, Dumaguete, Siargao, at Masbate na binubusisi para sa posibleng relokasyon.

Aniya, naghahanap na ang gobyerno ng maaari paglipatan ng mga nabanggit na paliparan kung saan unti-unti na rin bumibili ng ilang mga property.


Dagdag pa ni Bautista, may mga ahensiya at ibang bansa ang nais na magbigay ng pondo para matapos at mailipat ang mga nabanggit na paliparan.

Pero, giit ng kalihim, matatagalan pa ang planong ito lalo na ang pagbili o pagkuha ng lupa.

Facebook Comments