Digitalization, kabilang sa tina-target ni PBBM para sa post pandemic recovery ng mga nasa MSME

Natuwa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kabilang ang digitalization sa focus ng isinasagawang Micro, Small, and Medium Enterprises Summit o MSME 2022 summit.

Sa naging pagdalo ng punong ehekutibo sa nasabing okasyon, inihayag nitong natutuwa siyang magkalinya ang ideya na kanyang isinusulong sa ipinupursige rin ng MSME Summit para sa pagbabalik sigla ng ekonomiya ng bansa.

Partikular aniya ang pagtataguyod sa digitalization na para sa pangulo ay magandang avenue para matamo ang economic recovery ng mga nasa MSME.


Nagtutugma aniya rito ang gobyerno at ang nasa pribadong sektor sa gitna ng magkaparehong pananaw para sa magandang kinabukasan para sa mga Pilipino.

Dagdag ng pangulo na nasasabik siya sa magiging resulta ng summit na tiyak na magbubukas ng panibagong oportunidad at mga istratehiya maging ng bagong mga oportunidad sa MSMEs.

Mula aniya rito, sinabi ng presidente ay lalabas ang full potential ng bansa patungo sa growth and development at malaki aniya rito ang magiging papel ng digitalization sa tina-target na pagbangon ng kalakalan sa Pilipinas.

Facebook Comments