Wednesday, April 1, 2026

“Digitalized Ayuda System,” planong isama sa Bayanihan 3

Isinusulong sa Kamara ang pagbuo ng isang “digitalized ayuda system” bilang bahagi ng panukalang Bayanihan 3.

Ito ang isa sa mga target na matalakay sa joint hearings ng 13 komite ng Kamara upang makabuo ng epektibong tugon sa pandaigdigang krisis sa langis.

Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, chairman ng Committee on Ways and Means, layunin ng panukala na magtatag ng maayos na electronic subsidy program sa buong bansa.

Aniya, maaaring iugnay ang listahan ng mga benepisyaryo sa National ID system upang matukoy ang economic profile o sektor ng bawat mamamayan.

Iginiit ni Quimbo na dapat matuldukan ang kasalukuyang sistema kung saan paulit-ulit na bumubuo ng listahan ng benepisyaryo sa bawat pamamahagi ng ayuda.

Facebook Comments