DILG, “50-50” kung ilalagay sa MGCQ ang Metro Manila

Hindi pa tiyak ang Department of Interior and Local Government (DILG) kung ilalagay sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila pagkatapos ng June 15.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hinihintay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Aniya, mayroong 50-porsyentong tiyansa na ibaba sa MGCQ ang Metro Manila.


Sinabi ni Año, na nahihirapan silang magdesisyon para sa sa Metro Manila, Cebu, at Davao kaya importanteng mapakinggan ang opinyon ng iba’t ibang eksperto.

Ang iba pang lugar sa Luzon, rehiyon at probinsya ay maaaring ilagay sa MGCQ.

Sa ilalim ng MGCQ, papayagan na ang lahat ng uri ng transportasyon at bubuksan na rin ang ilang negosyo sa ilalin ng 75% workforce capacity.

Ang mga hindi pa rin papayagan sa MGCQ ay gaming, leisure, at entertainment operations.

Facebook Comments