DILG, aminadong may delay sa paglalabas ng sahod ng contact tracers

Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na mayroong delay sa paglalabas ng sahod ng contact tracers.

Nilinaw naman ni Interior Spokesperson Jonathan Malaya, naresolba na ang isyu.

Ang delay ay bunga ng hindi kumpletong dokumento ng contact tracers.


Ang contact tracers ay kailangang may Landbank account, BIR registration at daily time record at certificate of attendance para makuha ang kanilang sahod sa tamang oras.

Sa ilalim ng guidelines ng DILG, ang mga contact tracers ay makatatanggap ng minimum na ₱18,784 kada buwan sa ilalim ng contract of service status.

Inatasan na ni Interior Secretary Eduardo Año ang kanilang field offices na madaliin ang pagpoproseso ng sahod ng contact tracers.

Facebook Comments