COVID-19 cases sa Makati, nasa higit 9,300 na

Sumampa na sa 9,338 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod ng Makati.

Batay sa City Health Office, 8,713 dito ay mga gumaling na sa naturang sakit habang 358 ang nasawi.

Ang natitirang 267 mula sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases ay bilang naman ng active cases na kasalukuyang nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.


Payo ni Mayor Abby Binay sa mga residente ng lungsod na agad ipagbigay alam sa Barangay Health Centers kapag nagkaroon ng exposure sa isang COVID-19 positive individual.

Dagdag pa ng alkalde, huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan.

Facebook Comments