Kinastigo ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang kabagalan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagbibigay ng fuel subsidy.
Sinabi ito ni Poe sa harap ng planong malawakang strike ng mga drivers at operators ng pampublikong transportasyon dahil sa hindi sapat na tugon ng pamahalaan.
Sa huling impormasyong natanggap ni Poe, nakapagbigay na ang LTFRB ng fuel subsidy sa 250,000 mula sa 264,000 benepisaryo.
Dismayado si Poe na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapag-lalabas ang DILG ng listahan ng mga tricycle drivers at operators na kwalipikadong mabigyan ng tulong.
Ayon kay Poe, Enero pa nagsimula ang serye ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, habang Pebrero naman inanunsyo ng gobyerno ang pagbibigay ng fuel subsidies.
Punto, ni Poe, ngayon ay nasa kalahati na ang taon ngayon pero hindi pa rin nkakatanggap ang lahat ng benepisaryo ng nararapat na tulong na dapat ay maagap na ginawa.