Presyo ng LPG, may rollback hanggang Setyembre! – DOE

161

Inaasahang magkakaroong ng rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) hanggang sa Setyembre.

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad bunsod na rin ng pagdami ng supply ng LPG.

Gayunpaman, pagsapit ng buwan ng Oktubre ay magsisimula ng mag-imbak ang mga bansang pinagkukunan ng LPG bilang paghahanda sa winter season.


Samantala, inihayag naman ni Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar na inaasahang mararamdaman din ang krisis sa pagkain sa bansa sa huling quarter ng taon.

Facebook Comments