Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang lahat ng mga mayor na mahigpit nang ipagbawal o limitahan ang mass gatherings sa kanilang lugar.
Ang kautusan ni Año ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na layong maprotektahan ang kaligtasan at kalusugan ng publiko.
Babala ng kalihim papatawan ng sanctions ang sinumang Local Chief Executives na mabibigong gawin ang kautusan.
Paliwanag ni Año, walang dapat gawin ang mga mayor kundi pagtibayin at ipatupad ang guidelines at polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) pati na rin ang pagpapatupad ng lokal na polisiya na susuporta sa regulasyon.
Tinukoy pa ng kalihim, maaaring administrative complaint o criminal case ang isasampa laban sa pabayang LCEs.
Inatasan na rin ng DILG official ang Philippine National Police na mahigpit ipatupad ang lahat ng applicable guidelines at policies ng IATF lalo na sa usapin ng mass gatherings o mga pagtitipon.