Hindi pa sapat ang dalawang linggong hard lockdown sa Metro Manila at apat na karatig lalawigan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ang pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Officer-In-Charge Bernardo Florece Jr. kasunod ng nananalapit na pagtatapos ng 2-weeks na Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region Plus Bubble sa April 11, araw ng Linggo.
Ayon kay Florence, hindi pa ganap na nararamdaman ang epekto ng ECQ sa pagbaba ng kaso ng mga tinatamaan ng virus.
Para sa opisyal, marapat lang na palawigin pa ng isang linggo ang ECQ sa Metro Manila at apat na karatig lalawigan pero depende pa rin aniya ito sa magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Nabatid na nakatakdang magpulong ngayong araw ang IATF upang pag-usapan kung ibababa na o mananatili ang ECQ sa NCR Plus Bubble.