Sen. Bong Go, muling naglabas ng mga larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng mga espekulasyon sa tunay na kondisyon ng pangulo

265

Muling naglabas ngayon araw si Sen. Christopher “Bong” Go ng larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod na rin ito ng mga espekulasyon hinggil sa totoong kondisyon ng kalusugan ng pangulo matapos ang ilang araw na pagkansela niya sa gabinete meeting at hindi pagpapakita sa publiko.


Sa larawan na ipinost ni Sen. Bong Go sa Facebook, makikita na nagjo-jogging ang pangulo.

May isa pang larawan na nakasakay ito sa kanyang motorsiklo na isa sa kanyang pampalipas oras.

May caption ang mga larawan kung saan hinihikayat ni Go ang publiko na suportahan si Tatay Digong lalo na’t mahirap at malungkot aniya ang maging pangulo sa panahong ito.

Facebook Comments