Manila, Philippines – Suportado ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga gustong baguhin na probisyon sa Human Security Act.
Partikular dito ang pinahabang wiretapping at detention period bilang bahagi ng hakbangin kontra terorismo.
Bilang dating chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), batid ng DILG chief na iba ang porma ng pakikipaglaban sa terorismo kumpara sa mga pangkaraniwang krimen.
Ayon kay Año, mas organisado at pinanday ng matagal na panahon ang gawaing terorismo kung kaya at kailangan ng gobyerno ng mas epektibong pantapat dito.
Nauna rito sa sinagawang Senate Committee on National Defense and Security, iminungkahi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na payagan ang wiretapping at pinahabang detention period laban sa mga suspected terrorist.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, 30 days ang pinapayagang detention period na maaring pahabain kung hihingin sa korte.
Iginigiit ni Lorenzana na gawin itong 90 days.
Ang DILG at bahagi ng security, justice and peace cluster ng gobyerno na bumubusisi sa mga gagawing amendments sa Human Security Act.