Dinepensahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang full implementation ng ‘No Vaccination, No Ride’ policy sa susunod na buwan.
Kasunod ito ng 30 araw na taning na ibinigay ng pamahalaan sa mga unvaccinated at partially vaccinated worker sa Metro Manila.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang pagpapatupad ng polisiyang nito ay alinsunod sa police power ng estado.
Aniya, ang mga pasahero naman na may medical conditions at hindi maaaring mabakunahan ay nananatiling exempted sa nasabing kautusan.
Facebook Comments