DOH, nakapagtala ng higit 15,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 15,789 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 17,677 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,475,293 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 230,410 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 32,712 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,191,219 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 53,664 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 66 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 24 habang may tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments