Manila, Philippines – Nakahanda na ang contingency plan ng DILG sa sandaling mapagtibay na rin ang Senado ng bersyon nito ng panukalang batas na magpapaliban sa eleksyong pambarangay.
Ayon kay OIC Secretary Catalino Cuy, magmula nang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Narco list ay nagsagawa na sila ng kaukulang aksyon.
Sinusuri na nila ngayon ang sinasabing narco list ni President Rodrigo Duterte.
Sa sandaling makumpirma nila na totoong ang kaugnayan sa mga drug lords ng ilang barangay chairman, hindi na nila itatalaga ang mga ito sa ilalim ng prinsipyo ng hold over capacity.
Matagal na rin aniyang nagsimula ang awareness at orientation efforts nila sa kanilang mga pangrehiyong tanggapan partikular sa Mindanao kaugnay ng mga inaasahang mangyari sa sandaling magpasa na ang kongreso ng enabling law.