DILG, handing sampahan ng kaso ang mga kandidatong mapapatunayang sumusuporta sa mga rebeldeng grupo

Handa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na magsampa ng kaso sa mga kakandidato sa 2022 election na mapapatunayang sumusuporta sa mga rebeldeng grupo.

Partikular na rito ang Communist Party of the Philippines, National Democratic Front at New Peoples’ Army (NPA).

Ayon kay DILG Interior Secretary Eduardo Año, paglabag sa Section 4 ng Republic Act No. 10168 ang pagbibigay ng tulong pinansiyal, materyal at political sa anumang rebeldeng grupo kabilang na rin ang Abu Sayyaf group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.


Habang hindi rin aniya ito pwede sa ilalim ng Section 261 ng Omnibus Election Code kung saan posibleng maharap sa pagkakulong ng anim na taon ang mga mapapatunayang nagkasala.

Facebook Comments