DILG, hinamon ang mga Pilipino ngayon 125th Rizal Day na maging bayani rin sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocols, sa pagbabakuna at pagtulong sa pagpapakalat ng impormasyon

Kasabay ng 125th na anibersaryo ng pagmamartir ni Dr. Jose P. Rizal, hinamon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang bawat Pilipino na maging bayani rin sa simple nilang kakayanan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, maaring bayani rin ang sinuman sa pamamagitan ng pagpapatibay sa pansariling disiplina ngayong umiiral na pandemya.

Aniya, sa pagsisimula ng Bagong Taon, nawa’y muling masumpungan ng bawat Pilipino ang self-discipline na isinabuhay ni Dr. Jose Rizal at naipakita sa kaniyang mga panulat.


Aniya, nawa’y ito ang maging New Years resolution ng bawat isa dahil ito ang susi sa tagumpay sa personal na buhay at sa pook na pinagtatrabahuhan.

Giit ni Secretary Año, ngayong 2022, bawat Pilipino ay maaring maging bayani sa pamamagitan ng istriktong pagsunod ng bawat Pilipino sa minimum public health standards, sa boluntaryong kusang pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine at sa pagpapalaganap ng wastong impormasyon kaugnay sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Facebook Comments