DILG, hindi kinikilala ang Executive Order ni Cebu Governor Gwen Garcia na nag-aatas na gawing optional ang pagsusuot ng facemask

Hindi kinikilala ng Department of the Interior and Local Goverment (DILG) ang inisyung Executive Order ni Cebu Governor Gwen Garcia.

Kasunod naman ito ng inilabas na kautusan ni Garcia na gawing optional na lamang ang pagsusuot ng facemask.

Sa isang pahayag, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na may sinusunod na panuntunan ang Inter-Agency Task Force (IATF) na alinsunod sa direktiba sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Mahigpit ang tagubillin ng DILG chief sa Philippine National Police na komprontahin, hulihin kung kinakailangan ang mga lumalabag sa IATF Guidelines.

Partikular na pinatutukan dito ng Kalihim ay ang mga violators sa lalawigan ng Cebu.

Ipinaalala ng DILG sa mga lokal na pamahalaan na di pa tapos ang virus at may banta pa rin nito sa mga bulnerableng sektor.

Hindi aniya dapat magpakakampante ang publiko at kailangang magpabakuna o magpa-booster shot kontra COVID-19.

Facebook Comments