DILG, hiniling sa Kongreso na magpasa ng batas na magre-regulate sa Facebook

Hiniling sa Kongreso ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpasa ng batas na magre-regulate sa Facebook.

Dismayado ang DILG sa mabagal na pag-aksyon ng Facebook sa mga ini-report nilang account at pages na nag-ooperate ng illegal e-sabong.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, mabagal ang aksyon ng FB, gayong ilegal na sugal ang ino-operate ng mga ini-report na accounts.


Aniya, kung anong bilis ng FB na mag-shut down ng ibang pages, siya namang kupad nito sa mga gumagawa ng hakbang sa mga ilegal na content sa kanilang sites.

Ani Malaya, dapat lumikha ang gobyerno ng isang ligtas at malusog mga online environment sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga ilegal at mapaminsalang content sa general public.

Giit ni Malaya, dapat maging mapagbantay ang Kongreso at tiyaking walang sisinuhin ang batas kahit pa ito ay isang social media giant.

Facebook Comments