PNP, nagsagawa ng inspeksyon sa National Museum sa Maynila para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

46

Puspusan ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa gagawing inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba kasunod ng ginawang inspeksyon ng mga awtoridad sa National Museum sa Maynila.

Sa nasabing lugar gaganapin ang panunumpa ni Marcos bilang ika-17 lider ng bansa.


Ayon kay Alba, sisiguruhin nila ang seguridad sa lugar at sa mga daraanan ng pangulo.

Makakaasa aniya ang publiko na mayroon silang proper coordination sa mga organizer para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng pangulo at mga dadalo sa aktibidad.

Facebook Comments