DILG hinimok ang mga alkalde na bumaba sa kanilang opisina at pangunahan ang paglilinis sa mga nakasagabal sa lansangan

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government ang mga Mayors sa Metro Manila na bumaba sa kanilang mga opisina at pangunahan ang pagbibigay ng mahigoit na kautusan sa kanilang mga Barangay Captains na mananagot sila sa batas kapag pinababayaan nilang mayroong nakasasagabal sa mga lansangan.

 

Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan E. Malaya na ang  paglilinis sa mga lansangan sa mga  illegal structures at  obstructions, ay dapat pangunahan ng mga Mayors at matiyak na nakikipag-ugnayan sa kanila ang kanilang mga Barangay Captain sa kanilang nasasakupan at agad na makatugod sa direktiba ng DILG.

 

Paliwanag ni Malaya marami na umano silang natatanggap tungkol sa mga Barangay Captain na nabigong tumugon sa kautusan ng DILG at binabalewala ang mga reklamo ng kanilang mga residente.


 

Giit ni Malaya trabaho ng mga alkalde na disiplinahin ang kanilang mga Barangay Captains alinsunod na rin sa Local Government Code at hindi ang National Government ang magpapatupad ng otoridad sa mga Barangay Captain.

 

Sa ilalim aniya ng Section 32 of the Local Government Code mayroong kapangyarihan ang mga alkalde na disiplinahin ang mga Barangay Captain at kaapg hindi sumunod maaaring ipatupad ang kanilang political will at disiplinahin ang hindi nakikipag cooperate na mga Punong Barangay.

Facebook Comments