Reporma sa Bar Exam, ipapatupad ng Korte Suprema

Isinusulong ng Korte Suprema ang pagreporma sa isinasagawang bar examinations sa bansa.

 

Naniniwala ang ilang mahistrado ng Korte Suprema na panahon na para magkaroon ng pagbabago sa pagsasagawa ng bar exams at hindi kailangan na ito ay maging pahirap sa law students.

 

Sa ginanap na legal education summit sa Maynila, inihayag ni Supreme Court Associate Justice at 2019 bar exams Chairperson Estela Perlas- Bernabe na pinagaralan niya ang bar exams coverage sa mga nakalipas na taon at nirebisa ang bar exams syllabi para sa pagsusulit ngayong taon.


 

Inalis anya ang mga obsolete topic at inorganisa ang coverage sa bar exams batay sa importansya sa legal practice sa kasalukuyan.

 

Tiniyak din ni Bernabe na ang mga tanong sa 2019 bar exams ay nasasaklaw ang iba’t ibang topics at mayroong standard acceptable answers.

 

Aalisin din anya ang mga unfair trivia question at mga tanong na nagdudulot ng kalituhan sa mga bar examinees.

 

Sa 2019 bar exams, sinabi ni Bernabe na ipapatupad ng Korte Suprema ang two examiners per subject policy para matugunan ang dumaraming bilang ng mga bar examinees.

 

Tinatayang aabot sa siyam na libo ang kukuha ng bar exams ngayong taon.

Facebook Comments