DILG, hinimok ang mga gobrenador at mga alkalde na tiyaking umaalinsunod sa batas ang kanilang kampanya kontra illegal drugs

Hinimok ni Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Benhur Abalos ang mga gubernador at alkalde sa buong bansa na tiyaking may pagsunod sa batas ang kanilang mga anti-drug campaign.

Ayon kay Abalos, ibibigay niya ang buong suporta sa lahat ng mga pinunong lokal basta’t wala silang lalabaging batas.

Ani Abalos, dapat ay maging mapamaraan o creative ang mga local chief executives sa paghahanap ng solusyon sa problema ng illegal drugs.


Inihalimbawa pa ng DILG chief ang ginawa niya noong siya pa ang alkalde ng Mandaluyong.

Naging katuwang ng Mandaluyong local government unit (LGU) ang mga mismong mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Nagsilbi silang mata ng LGU sa anti-drug campaign.

At pinalakas din nila ang mga kaso laban sa mga sangkot sa illegal drug trades kung saan maraming mga kaso ang naipanalo.

Umaasa si Abalos na kung magpapasa ng mga lokal n batas ang mga LGUs partikular sa kampanya kontra droga,dapat ay nakaangkla ito sa mga polisiya at priority programs ng pambansang pamahalaan.

Facebook Comments