Bentahan ng school uniform sa Pritil Market sa Maynila, matumal pa

30

Matumal pa rin ang bentahan ng school uniform sa ilang tindahan sa Pritil Market sa Maynila sa gitna ng pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.

Ayon sa mga ilang nagtitinda, sa ngayon ay hindi pa naman nagtataas ang presyo ng mga uniporme pero may posibilidad anila na may dagdag-presyo na sa mga susunod na linggo.

Narito ang kasulukuyang presyo ng mga uniporme sa Pritil Market:


• Polong panlalake – P230-P260
• Blouse – P230 – P250
• Pantalong Itim – P200- P350
• Palda – P210 – P230
• Short – P150 – P200
• T-shirt – 120 – 130
• Jogging Pants – P320
• Medyas – P40 – P50

Maaaring sa Agosto pa anila dadagsa ang mga mamimili pero umaasa naman ang mga nagtitinda na makakabawi sila at lalakas pa ang kita sa mga darating na araw dahil ilang taon na silang apektado ng COVID-19.

Facebook Comments