DILG, hinimok ang mga LGUs na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagbebenta ng medisina sa mga sari-sari store

Kasunod ng paglipana ng mga pekeng medisina sa mga maliliit na retail stores, hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units (LGUs) na magpasa ng mga ordinansa na magbabawal sa pagbebenta ng medisina sa sari-sari stores sa buong bansa.

Kasabay nito, inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP) na siguruhing walang ibinebenta na gamot sa mga sari-sari store at arestuhin ang sumusuway sa batas lalo na iyong mga naglalako ng pekeng gamot.

Ani Año, delikado ang paglipana ng fake medicines, sa gitna ng pandemya.


Aniya, hindi dapat magpabaya ang mga LGUs at ang mga awtoridad dahil kalusugan at kapakanan ng publiko ang nakataya rito.

Paalala ng kalihim sa publiko, kapag bibili ng kahit anong medisina, mahalagang kunin na lamang ito mula sa legal manufacturers.

Facebook Comments