DILG, hinimok ang publiko na maging BIDA advocates kontra illegal drugs

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na maging BIDA advocates upang matuldukan ang problema ng iligal na droga sa bansa.

Ginawa ni DILG Secretary Benhur Abalos ang panawagan sa bisperas ng paglulunsad ng anti-illegal drugs advocacy program na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).

Ang BIDA Program ay isasagawa bukas sa Quezon City at sabayang ilulunsad sa buong bansa sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos.


Maliban sa aktibidad sa Quezon City Memorial Circle, may hiwalay na regional launches na isasagawa rin sa Cebu City, Cagayan de Oro City at Davao City.

Facebook Comments