PBBM, nagpaabot ng pagbati kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa pagkakatalaga sa pwesto

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Bongbong Marcos kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim dahil sa pagkakatalaga nito sa pwesto.

Sa maikling pahayag ng pangulo, sinabi nitong ang pagluklok sa pwesto kay Ibrahim ay magbibigay ng katatagan sa pamumuno para sa Malaysia at sa rehiyon.

Si Prime Minister Ibrahim ay 75 na taong gulang na at ika-10 prime minister ng Malaysia na nanumpa na kahapon.


Nagsimula siya sa mundo ng politika bilang isa sa mga founder ng youth organization na Angkatan Belia Islam Malaysia at pagkatapos nito ay sumali ito sa United Malays National Organization (UMNO) hanggang sa naupo na sa mga matataas na posisyon sa gobyerno ng Malaysia.

Facebook Comments