DILG, hiningi ang pakikiisa ng publiko sa pagbibigay seguridad sa mga makikibahagi sa 30th SEA Games

Hinikayat ng DILG ang publiko na makiisa sa pagbibigay seguridad sa mga dayuhang atleta at sa mga lokal at dayuhang turista.

Ito ay mula sa pagbubukas hanggang sa pagtatapos ng pagdaraos sa bansa ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, mayroong 44 competition venues ang biennial sports competition at malaki ang maitutulong ng publiko para mapagbantay laban sa mga sinumang nais mag-hasik ng kaguluhan.


Ani Año, kailangan ang pagkakaisa para makamit ang zero incidents hanggang magtapos ang SEA games.

Sa ngayon ay nakalatag na ang Security and Master Plan na ipatutupad sa mga sports event sa loob ng labindalawang araw.

Kabilang sa mga bibigyang seguridad ay 17,000 atleta kasama na ang mga team officials; 1,500 international at local media; 12,000 volunteers; at 2,800 technical officials ng 30th SEA Games.

 

Facebook Comments