DILG, humirit ng dagdag na ₱5-B sa ilalim ng Bayanihan 2 Bill para sa pagkuha sa serbisyo at training ng contact tracers

Humirit sa Kongreso ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng dagdag na ₱5 bilyon sa ilalim ng Bayanihan 2 Bill para higit na mapabilis ang pagtapos sa laban sa COVID-19 pandemic.

Sa isang liham kina Senate President Vicente Sotto III at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ipinaliwanag ni DILG Secretary Eduardo Año na dahil sa lumolobong kaso ng COVID-19 sa bansa kinakailangan ng mas maraming tao na may kakayahang na mapabilang sa contact tracing teams ng pamahalaan.

Gagamitin aniya ito sa traning na ikinakasa sa buwan ng Setyembre.


Sa 108 million na populasyon, mangangailangan ng dagdag na 50,000 na contact tracers para makamit ang mabilis at epektibong pagtunton sa mga nagkaroon ng close contacts sa mga confirmed COVID-19 patients.

Ito ay hiwalay sa ₱162 billion fund na inilaan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Bill para labanan ang pandemya.

Facebook Comments